Panimulang Artikulo ng Grupong Kinahuhumalingan Ang Iba’t ibang Ngatain
Panimulang Artikulo ng Grupong Kinahuhumalingan Ang Iba’t ibang Ngatain
PAGKAIN
PAGKAIN
Tatlong bagay lang naman ang pamantayan para masabing isa kang Pinoy. Una, dapat sa PIlipinas ka pinanganak at dapat kahit isa sa mga magulang mo ay Pilipino. Pangalawa, dapat marunong ka magsalita ng wikang Filipino. Aba siyempre! Ang wika ang kaluluwa ng isang bansa, hindi ba? At ang pangatlo at pinakamahalaga sa lahat, dapat mahilig kang kumain!
Ang pagiging Pilipino ay ang pagiging mapagmahal sa pagkain. Dahil para sa mga Pinoy, ang pagkain ay simusimbulo sa kasaysayan, kultura, at kwento ng iba’t ibang buhay sa Pilipinas. Kaya ikaw, mahilig ka bang kumain? Kung sagot mo’y oo, sagot na namin ang pagkain mo! Dahil dito, isa kang Busogueño!
Ang Busogueño ay hango sa salitang “busog” na may kahulugang “kuntento” at “puno”. Binuo namin ang salitang ito upang magbigay larawan sa mga taong laging busog at malaki ang pagpapahalaga sa mga pagkain. Kaya dito sa Busogueño.com, ikaw ay mabubusog at magkakaroon ng pagpapahalaga sa pagkain dahil magbibigay kami sa inyo ng iba’t ibang tips, reviews, backstories, recipe tutorials, at marami pang iba na talaga namang bubuhay sa inyong pagiging Busogueño!
Ang busogueno.wixsite.com/kaintayo ay mayroong limang sangay na may magkakaibang gimik para sa iba’t ibang klase ng mga Busogueño tulad ng mga estudyante, manlalakbay, mga nagpapapayat, magka-kabarkada, at magka-kapamilya. Lahat ng trip mo sa tsibugan, hanggang sa pinakamahal na tapa hanggang sa pinakamurang lugaw, sagot na namin ang impormasyon kung saan at paano mahahanap yan!
Kung isa kang Estudyante at laging nagtitipid para sa thesis, projects, at iba pang mga bagay na binibigay sa’yo ng prof mong akala mo laging gutom kasi laging galit, ang Busogueño.com na ang bahala sa’yo! Magbibigay kami ng ibat-ibang diskarte upang malampasan mo ang gutom ng hindi nagugutom ang wallet mo. Dahil dito, tuturuan ka naming maging isang mabuting Es-Chew-dyante!
Eh paano kung pagod ka na sa pagkain ng naghihimutok-batok nacrispy pata at gusto mo namang maging healthy? Aba, nakaready na kami para ibigay sa iyo ang mga pagkaing healthy na, masarap pa! Dahil dito sa Busogueño.com, naniniwala kaming ang malusog na pangangatawan ay nagmumula sa tatlong F, Food For Fitness!
Ang Pilipinas ay nahahati sa iba’t ibang rehiyon at siyudad, mayroon din itong kanya-kanyang kasaysayan sa paglipas ng panahon. Maniniwala ka bang kaya mong kilatisin ang istorya ng bawat lugar sa Pilipinas sa paglasap ng iba’t ibang putahe na kanilang ipinagmamalaki? Dadalhin namin ang inyong mga panlasa sa buong Pilipinas! Kaya tara, Kabayan, Kabaryo, Kain tayo!
Walwal ba hanap niyo? Inumang wasakan ba o inumang chill lang ang trip ninyong magbabarkada? Broken hearted ka ba o may tropa kang broken hearted? Pinaasa ka ba o nagpaasa ka? Swak lang ba o Uwak? Hahahaha. Kapwa naming Busogueño, kami na ang bahala para makapag unwind muna kayo kahtis a sandaling panahon. Dahil dito, magtitimpla kami ng iba’t ibang tomador recipes at walwalan reviews na swak sa budget ng buong barkada! Dahil dito, buti nalang TGIF! Tara Go Inuman Fun!
Mahilig ka sa pagkain pero hindi ka marunong magluto? Gusto mo bang bigyan ng baon si crush pero natatakot kang baka hindi niya magustuhan? O gusto mo lang magkaroon ng onting kita gamit ang pagkain? Lahat ng yan sagot na namin ka- Busogueño! Magbibigay kami ng iba’t ibang recipes na swak na swak para sa mga nagsisimula pa lamang magluto! Kasama mmo ang iba’t ibang chef na magbibigay sa’yo ng iba’t ibang Cooking Chew-torials!
Lahat ng iyan dito lang sa Busogueño.com! Ang tahanan ng pinakamasasarap na pagkaing Pinoy!