top of page

KKKAIN TAYO: SIOPAO WITH A TWIST SA BINONDO

Nakasanayan na ng maraming Pilipino ang pakikiisa sa pagdiriwang ng Lunar New Year, o mas kilala sa tawag na Chinese New Year. Ang Chinese New Year ay ipinagdiriwang tuwing unang araw sa Chinese Calendar at tumatagal ng labinlimang araw.


Dito sa Pilipinas, nagsimula ang kasanayang ito noong panahon ng pagsakop sa atin ng mga Kastila, dahil sa mga Tsino na dumayo rin dito ay naipasa na sa atin ang tradisyon kaya may lahi mang Chinese o wala, isa ito sa mga inaabangang selebrasyon sa bansa. Kasama na rin sa mga naipasa sa atin ng mga Tsino ay ang kanilang mga pagkain tulad ng hopia, siopao, shanghai, iba’t ibang klase ng dumplings, tikoy at iba pa. Pero dito sa Binondo, Manila, marami nang twist ang nilagay para lalo pang mapasarap ang mga pagkaing ito.


Dito sa Ongpin Street, Binondo, Manila, kaliwa’t kanang food stalls ng mga Chinese food ang nandito at isa na rin ito sa mga dinarayo ng mga turista. Maraming Chinese food ang nilagyan ng twist para lalo pang maging mas masarap. Hindi mo aakalain na sa maliit na tindahang ito nagtatago ang kakaibang siopao na tinawag na Shanghai Siopao.


Iba ito sa nakasanayan nating Asado at Bola bola siopao dahil sa manipis na tinapay na may palaman na katulad ng sa lumpiang shanghai. Sa halagang 20 pesos, masusulit mo na ang dalawang paboritong merienda nating mga Pinoy na siopao at shanghai.



Maraming mamimili ang talagang tumatangkilik sa Shanghai Siopao hindi lang dahil sa pagiging kakaiba ito, pati narin dahil sa sarap at pagiging malasa nito na hindi mo na kakailanganin pang lagyan ng sauce. Kaya kung dadayo ka sa Binondo ngayong panahon ng Chinese New Year para magfoodtrip, ilagay mo na sa iyong listahan ang kakaibang merienda na sa Binondo mo lang matitikman!




by Juvie Anne A. Castres





Related Posts

See All
Featured Posts
recent posts
search by tags
bottom of page