ANG PABORITONG ULAM NI SIR LIBRARIAN
Photo from createwithcream.ph
WHAT’S UP BUSOGUEÑOS! Lahat tayo ay may mga tao na talagang tumatatak sa atin habang tayo’y nag-aaral dahil bukod sa saksi sila sa ating paglago, isa rin sila sa mga humubog sa atin at nagbigay inspirasyon sa daang tinatahak natin. Sigurado ako na lahat tayo ay may tumatak na librarian, maaaring siya ay masungit, bugnutin, at nakakatawa ang itsura o pwede rin naman isa siyang mabait, mapagbigay, matalino, at supportive na librarian! Sa kaso ng PUP College of Communication, aba! Nandun sa pangalawa ang katangian ng aming Librarian! Maaaring kilala mo siya sa pangalan o di kaya naman ay sa itsura ng mukha, pero ang pinaka paborito niyang pagkain, kilala mo ba? Well, kami dito sa Busogueños, ALAM NA ALAM NAMIN!
Pero bago yan, gusto muna naming ipakilala sa inyo ang isa sa pinaka astig na librarian, si Orlando Olivero Jr. o mas kilala sa tawag na Sir Oliver. Sa unang tingin ay talaga namang kay-bait tignan ni sir, pero magugulat ka sa hardcore side ni sir! Hindi na bago sa pandinig natin ang favorite na ulam ng ating bidang librarian, pero mayroong twist ito na talagang pagpapawisan ka! Nacu-curios ka na ba? Malamang, kaya di na naming papatagalin.
BICOL EXPRESS!!!!!!!!
Pero dahil pinapahalagahan naming mga Busogueños ang mga taong katulad ni Sir Oliver, i-she-share namin ang recipe ng paborito niyang Bicol Express! Kaya ano pang hinihintay niyo?
Kumuha na ng mga sumusunod:
½ kilo pork belly/liempo (cubes)
2 cups gata (coconut milk)
1 medium onion (minced)
1 head garlic (minced)
2 tbsp bagoong alamang (shrimp paste)
15 green chili (chopped)
5 red chili (chopped)
Busogueños! Igisa na ang bawang at sibuyas at ilagay ang baboy. Lagyan ng 2 cups ng tubig ang kawali at hintaying lumambot ang karne. Kapag lumambot na ang karne ay pwede nang ilagay ang bagoong alamang. Ihalo na rin dito ang sangkatutak na siling haba (green chili) na mas gusto ni sir librarian dahil sa sobrang anghang! Ilagay ang gata at lagyan ng asin at paminta para sa lasa at hayaang kumulo ng bahagya. Ihalo ang siling labuyo (red chili) at i-serve na sa barkada, pamilya, kaklase, at pati na sa librarian!
Ngayon na alam na ninyo ang paboritong pagkain ng pinakamamahal naming librarian, bakit hindi ninyo subukang tanungin ang mga taong nagbigay kulay sa inyong pag-aaral at sila naman ang ipagluto ninyo! Ganyan magmahal ang mga katulad nating Busogueños, nakabubusog! Hindi lang sa kaalaman, pati na rin sa tiyan!
by Michael Angelo C. Sia