top of page

EZ CHICKEN PORK ADOBO


So you're here again! Nag-enjoy ka magluto ano? O mas nag-enjoy ka kumain? Busogueños know na na-enjoy mo pareho because why not 'di ba? Ikaw ang nagpre-pare, ikaw ang nagluto, at ikaw din ang kumain!

Reaping the fruits of your hardwork is so satisfying isn't it? Well, it is, my friend and you are about to prepare, cook, and eat again a very, very, very, very Filipino dish. Kung Filipino ka, yung as in, dapat alam mo ang ulam na 'to. Mahiya ka kung hindi.

Here's a hint: kailangan natin ng toyo at suka. Another hint? Dahon ng laurel. Dapat alam mo yan ha. You should have an idea now what chew-tutorials have in store for you. A very, very, very easy dish to cook, with ingredients that are very, very, very easy to find. My friend, you are about to cook an awesome and a very delicious Chicken Pork Adobo! We will teach you the easier way to cook it! Yung madali, mas papadaliin pa! Ngayong mas pinadali na siya, wala ka nang karapatang magreklamo.

Prepare the following ingredients:

- toyo -suka - dahon ng laurel - pamintangkaibigan, ay estepamintangbuo(kidding) - vetsin - bawang - sibuyas - tigkalahating kilo ng baboy at manok

Dahil nga Chicken Pork Adobo siya, kinakailangan ng manok at baboy. Now chop that sibuyas at bawang. Pero balatan muna syempre.

Just a newbie reminder, tandaan na mas madaling balatan ang bawang kung didikdikin muna. After that, you will start to do the cookin’. Kunin ang kaldero o kawali, at ilagay lahat ng ingredients, pwera vetsin. Pero wag lulunurin sa suka at lalo na sa toyo ang manok at baboy. Ayaw natin ng sakitsabato. We will let you pour those on your own para makasanayan mo.

Hindi laging nandyan ang mga panukat, kaya dapat masanay tayo na wala sila. Next, sa paglagay ng paminta, okay na yung worth 2 pesos. Hindi mo gugustuhing damihan dahil ayaw nating aksidenteng makagat yun. Sino bang may gusting mangyari yun? Sunod, maglagay ng 5 dahon ng laurel.

Ilagay mo na rin ang dinikdik na bawang at hiniwang sibuyas. Pagkalagay mo ng mga ito, takpan ang kaldero o kawali at isalang sa apoy, then hintaying kumulo. Sobrang dali 'di ba? Pero hindi pa yan dyan natatapos. Kapag kumulo na, saka ka maglalagay ng vetsin. Yung sakto lang. Ayaw natin ng sakit. Pagkalagay nito, haluin mo ng slight, hinaan ng kaunti ang apoy, and let that CPA simmer for around 10 minutes. So easy right? Sino ba kasing nagsabi sa'yo na mahirap magluto? Kuha ka ng sandok, tapos ihanda mo na yung sobrang dali mong niluto na Chicken Pork Adobo.

Are you still hungry? Do you still need to satisfy your brain with more easy to cook recipes? Daan kalang dito sa Chew-torials! Pagkaing madaling lutuin, murang ingredients, at masarap, sagot na namin para sa'yo yan. Hindi lang Chicken Pork Adobo ang ituturo naming dahil marami ka pang authentic Filipino dishes na matututunan dito. Enjoy your freshly prepared meal!

by Joseph Adrian B. Feliciano

Related Posts

See All
Featured Posts
recent posts
search by tags
bottom of page