top of page

TARA, MURAMEN!


Likas na sa ating mga estudyante ang maagang gumising upang maghanda sa panibagong araw, minsan pa nga ay nakakaligtaan na natin ang kumain at sinasabi na lamang natin sa ating sarili na "mamayang tanghali o hapon na lang ako kakain ng marami baka kasi pagkumain pa ako ma-late pa ako" kung kayat ang nagiging resulta ay kumakalam na mga sikmura. Kaya naman narito muli kami upang magbigay ng lugar sa Maynila na pwedeng mong puntahan upang makakain ng di lamang masarap kung di presyong estudyante na rin! Kung ikaw ay mahilig sa "Ramen" na katulad ni Naruto, aba!


Saktong sakto ang ibabahagi namin sa iyo. Ang "Muramen U-belt" ang sagot sa inyong mga kumakalam na sikmura! Ito ay negosyo ng mga artista na si Nash Aguas at Carl Barrameda, matatagpuan ang Muramen sa KB Lepanto S.H Loyola St. corner Tolentino sa Manila.


Ang Muramen ay open mula 4pm hanggang 11pm simula Lunes hanggang Linggo! Kanilang ipinagmamalaki ang kanilang Ramen na nagkakahalaga lamang ng 80 pesos! Bukod sa ibat-ibang klase ng ramen na kanilang inihahain mayroon din naman silang mga rice bowls with drinks! Ang Pork Tonkatsu, Chicken Karaage, Beef Bowl at Chicken Katsu ay 99 Pesos lamang! Sa halagang 400 Pesos busog na kayong dalawa ng kasama dahil sa sulit at masasarap na pagkaing matatagpuan dito! Kaya ano pang hinihintay ninyo? Tara na dito men! Bakit? Kasi Muramen!




by Kriza Mae C. Blancaflor




Related Posts

See All
Featured Posts
recent posts
search by tags
No tags yet.
bottom of page