FEWA, SUBMARINE at iba pa
Kilala ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) hindi lamang sa libreng matrikula kundi pati na rin sa mga pagkaing talaga namang swak na swak sa budget ng mga Isko at Iska. Bukod sa murang halaga, masasabi talagang sulit ang bawat sentimong iyong gagastusin para sa mga pagkaing itinitinda rito. Narito kami upang magbigay sa inyo ng ideya kung "hanggang saan kaya aabot ang 100 pesos mo?"
Inikot namin ang campus upang magtanong tanong sa ating mga iskolar ng bayan kung ano nga ba ang pinaka patok na pagkain dito sa PUP. Narito ang mga sikat, masarap at swak sa bulsang mga pagkain na Pwedeng pwede ninyong matikman:
FEWA (Footlong Egg Wrapped Around)
Ang FEWA ay isa sa mga pinakasikat na pagkaing mabibili sa loob ng pamantasan. Ito ay tinapay na may footlong, coleslaw, keso, ketchup at mayonnaise na binalot sa scrambled egg. Mas lalong sumikat ang pagkaing ito dahil kay Virgin. Bukod sa napakasarap na lasa, garantisadong swabe sa bulsa ang mabibiling mong FEWA. Sa halagang 39 pesos, mayroon ka na nito na tiyak na bubusog hindi lamang sayo kundi pati na rin sa kaibigan na makakahati mo.
Kung gusto mo naman ng Hotdog, mayroon din silang "HEWA" o Hotdog Egg Wrapped Around na nagkakahalaga ring 39 pesos.
Submarine
Kung gusto mo naman ng medyo heavy ng kaunti mayroon din sa PUP ng tinatawag nilang Submarine. Ito yung parang sisig na may onions sa halagang 40 pesos may kanin at ulam kana.
Kung mabitin ka naman marami kang pwedeng pagpilian sa mga meryenda foods and snacks sito sa sintang paaralan. Kung mahilig ka sa fries meron sila for 25 pesos mamimili ka ng flavor ng fries mo kung cheese or sour cream at may kasama na din itong drink, kung sandwich naman ang trip mo meron din dito sa halagang 25 pesos mayroon ka ng Clubhouse with drinks. Sa PUP ka din makakakita ng mga mura ngunit masasarap na street foods gaya ng kwek-kwek na 10 pesos apat na piraso, squidball at chicken ball sa tig 2 piso at kikiam na piso ang isa mayroon ding corndog na 15 pesos ito yung parang waffle na masarap samahan mo pa ng panulak na gulaman sa malamig na may 5-10 piso kada baso at kung medyo init na init ka naman'y mayroon din dito niyan, shakes with different prices according to their sizes!
Clubhouse
Fries
Gulaman
Sa buong araw na paglilibot namin, nakabili kami ng FEWA na 39 pesos, Clubhouse with drinks na 25 pesos, Sour and cream Fries for 25 pesos at gulaman for 10 pesos. Sa kabuuan nagaatos lang namin ay 99 pesos. Sa 100 pesos mo ay may sukli ka pang piso. Di ka lamang nabusog sa mata at tiyan, nabusog ka rin sana sa mga idea na aming binigay. Kaya mga Eschewdyante, hatakin na ang barkada at sama-sama na kayong magfoodtrip dito lang sa sintang paaralan!