top of page

SA MGA LUTO NI TITO CHEF VON


Sawa ka na ba sa fastfood? Gusto mong kumain ng masarap pero 'di kaya ng budget?

Naku, Chef Von's Food Express ang sagot sa iyong mga dalangin.

So, bakit sa Chef Von's?

1. Sa halagang 100 pesos, makakakain na kayo ni bes dahil ang isang serving ng ulam ay good for 2 ang dami. (Kahit tatlo pa kayo mga beh)

2. Hindi ka titipirin sa lasa. Tunay na masarap ang kanilang mga putahe at sineserve nila ang order mo na bagong luto.

3. Friendly ang mga crew ng kainang ito. They will serve you with a smile!

4. Marami kang pagpipiliang putahe. Sinigang, Nilagang Baka, Sisig, Lechon Kawali at marami pang iba't-ibang pinoy food.

Sobrang sikat ng mga crispy bagnet ulam na sineserve sa Chef Von's na binabalik balikan ng mga estudyante lalo na ang mga taga Polytechnic University of the Philippines (PUP). Paano ba naman ito hindi babalikan, nasa loob ng campus ang Chef Von's!

Mga Busogueno, gusto kong ireto sa inyo ang kanilang 'Buttered Chicken'. Beshy, yummerz talaga! Balance ang alat at tamis, crispy yung chicken, and iseserve sayo na sizzling hot! Oh diba? Sinong di maglalaway? Kahit ang friend mong pinakapihikan susuko sa sarap ng mga pagkain dito.

Kaya ano pang hinihintay niyo besh? Yayain mo na si jowa, si bes o si crush dito. Busog kana, nakatipid ka pa!

by Ledyl R. Patria

Related Posts

See All
Featured Posts
recent posts
search by tags
No tags yet.
bottom of page