top of page

ALAK PARA SA PUSONG WASAK, SAMPUNG KAMPAY MULA SA IYONG KADAMAY

Ano nga bang meron ang alak? Bakit karamay ito ng mga pusong nawawasak? Sasagutin natin yan. Para makapag usap tayo tungkol dyan ka- Busogueños, gawa ka ng isa sa recipe ng inumin na handog namin sa iyo. Pagkatapos, kada kampay, basahin mo tong mga tips naming para sa’yo bes.

1. Una, gaano nga ba kahirap ang masaktan? Sobrang hirap syempre, para lang yan nung unang beses kang tumikim ng alak mahirap dahil hindi maganda ang lasa. Pero hindi tulad ng alak na habang tumatagal ay lalong sumasarap. Dahil kapag puso mo ang nawasak, habang tumatagal ay lalo kang mawawarak.

2. Pangalawa, kapag nasaktan ka habang tumatagal lalong masakit, ganun din sa alak habang tumatagal lalong lumalakas ang tama. Kaya hinay hinay lang friend, totoong mahirap ang masaktan pero mahirap din magkasakit kapag inaaraw ang pag inom. Ika nga "Drink, moderately/Drink responsibly".

3. Pangatlo, ito na nga. Ano nga bang masarap inumin kapag wasak ka? Syempre kung hindi ka naman sanay uminom, sa light pa lang ay tatamaan ka na, da best na yun para ilabas yung heartaches mo. Ilang bote lang ng red horse ang katapat mo, sisipain ng pulang kabayo yung hayup na ex mo. Pero kung talagang gusto mo magpakawarrior andyan naman yung emperador "empi", laklakin mo ng may kasama para may tiga alaga ka. Kasi sigurado hindi mo gugustuhin ang tama.

4. Pang apat, wa epek pa rin ba? Naaalala pa rin si ex? Try mo rin pagsabay sabayin, yung parang ginawa niya sa'yo? Sinabay ka nya sa iba. Oopss. Ayun nga bessy, inom ka nang empi pagkatapos nun red horse naman, parang sya pagkatapos mo iba naman. Ay sorry, tapos ayun nga, kung hindi naman sa'yo tumatalab yang mga ganyan, banatan mo ng vodka sabay banatan mo sya! Sa vodka naman, lagyan mo ng juice friend kasi humahagod yun sa sikmura.

5. Pang lima, hindi pa rin enough? Parang love mo sa kanya hindi pa rin enough? Ganito gusto mo maenjoy yung pag inom mo? Yung magugulat ka nalang sobrang hilo ka na, parang pagkagulat mo sa kanya na may bago na siya. Oopss sorry. Bili ka ng empi ihalo mo sa juice na "Four Seasons" matitikman mo ang cocktail ng padis point bes. O kaya naman yung mismong bote ng empi lagyan mo ng grapes na juice at tapatan mo ng tubig pang chaser.

6. Pang anim, pang anim na beses ka na nyang pinaniwala na ikaw lang at wala nang iba. Sorry ulit. Ito bes! Pang high class ka ba? O boring ka na sa nomo mo sa bahay? Pwede ka rin namang lumabas. Andyan naman yung padis na number 1 na puntahan ng mga wasalak. Buti pa yung padis number 1, ikaw number 2 ka lang nya. Anw highway, kung gusto mo ng affordable drinks padis talaga ang katapat mo pero kung medyo high class bar ang hanap mo pwede ka sa Morato or kaya naman sa Malate. Panigurado, paguwi mo may bitbit ka pauwi instant pamalit sa ex mo. Hindi lang natin alam kung pangmatagalan. Kasi mukang motolite na lang ata yung ganun. Sad life.

7. Pang pito, bes gusto mo ba ng may thrill? Gusto mo talaga makalimot? At gustong maranasan ang totoong night life? Punta ka lang naman sa taft. Mararanasan mo yung sinasabi nila na "Happy T" short for Happy Thursday. Oh alam mo na kung anong araw best na pumunta? Malamang thursday! Kasi ang mga yayayummy este yayamanin dun, nasanay na sila after school ay diretso sa mga bar na walking distance lang sa kanila. Kung teenager ang hanap mo, tamang tama ka ng pupuntahan! Doon mo mararanasan ang totoong night life. Gusto mo ng crowded? Doon literal na crowded!

8. Pang walo, nalimutan mo na ba sya? Hindi pa rin ba? Bes ito na! Dun sa mga bar sa taft particularly yung "The Barn" May tinatawag silang 5 seconds challenge! Ito na ang pagkakataon magka awra ulit friend! 5 seconds challenge, ito yung sisigaw yung crowd ng 5 seconds, cue para gawin nyo ang kiss for 5 seconds. Pwede rin naman iextend kung nasiyahan ka hahaha. Choice mo naman kung gusto mo gawin ang challenge, dahil kahit sa strangers ay pwede ka nilang ichallenge! Kung bet mo gora na!

9. Pang siyam, hindi pa rin ba makalimutan si ex? Lumaklak ka ng alak nang walang kain araw araw. Charot! Huwag syempre sayang ang buhay. Ganyan talaga ang alak pansamantala lang, parang siya rin. Tutulungan ka makalimot pansamantala, pero kapag nawala na yung tama ng alak, masakit pa rin pala. Move on bes! Yan ang pinaka the best!

10. Pang sampu, masakit pa rin bes? Ganyan talaga nagmahal ka e. Huwag ka ring maging wasalak porket iniwan ni bf/gf. Basahin mo ulit yung #2! Ingatan ang sarili, hindi rin maganda ang laging pag iinom. Hindi naman masama ang lumimot ng problema at magpakasaya minsan. Pero sabi nga nila yung tama lang wag sobra. Life must go on. Parang sanmig lang yan, gawin mong light!

by Deana J. Ayeras

Related Posts

See All
Featured Posts
recent posts
search by tags
No tags yet.
bottom of page