top of page

SIZZLING TOKWA SISIG w/ SESAME SEEDS


WHAT’S UP BUSOGUEÑOS! Gusto niyo bang matuto ng isang mura at masarap na dish na perfect pang ulam at swak na swak rin pang pulutan. Family day man, walwalan, o ‘chillnuman’ siguradong mabubusog ang iyong mga hahainan sa halagang hindi lalampas sa 150 pesos! Halina sa kusina at tuturuan ka naming magluto ng sizzling tokwa sisig with a twist of sesame seeds. Hindi lang ito mura, di hamak na mas healthy pa kaysa sa mga nagmamantikang sisig na madalas mong kinakain at nakikita. Wag kang mag-alala dahil madali lang rin mahanap ang mga kakailanganin mong ingredients sa mga supermarket at palengke na malapit sa’yo!

Kakailanganin mo ang mga sumusunod:

  • 10pcs tokwa

  • 2 red onions (minced)

  • 2 white onions (minced)

  • 1 garlic (optional)

  • 7 Green chili (chopped)

  • 2 red chili (chopped)

  • 1 egg

  • 1 small pack Mayonnaise

  • Soy sauce

  • Vinegar

  • ½ cup Sesame seeds

  • Liquid seasoning (optional)

  • Brown sugar (to taste)

Hiwain ang tokwa sa katamtaman o maliliit na parisukat na piraso at i-deep fry sa kumukulong mantika. Tip lang mga kapwa ko Busogueños, mas magiging malinamnam ang ating tokwa sisig kung mas malutong ang luto sa tokwa kaya naman siguraduhing golden brown at malutong na ang tokwa bago hanguin sa kawa. Pagtapos prituhin ang tokwa, igisa na ang ginger, red onions at garlic sa kawali. Isunod ang kalahati (½) ng white onions (kaya kalahati lang ang igigisa natin ay dahil ang natirang kalahati ay ihahalo natin sa paghalo ng ating tokwa sisig). Maglagay ng suka, toyo at asukal sa kawali bago ilagay ang piniritong tokwa. Habang hinahalo ang tokwa, dagdagan ng white onions, suka at toyo ang tokwa, maaari ring lagyan ng tubig bilang pambalanse sa lasa.

Busogueños, wag dadamihan ang lagay ng toyo, suka at tubig sa ating tokwa sisig para manuot sa tokwa ang lasa ng mga ito, maaari na rin ihalo ang liquid seasoning dito. Ihalo na rin ang red chili sa tokwa. Pag nahalo nang mabuti ang tokwa, patayin muna ang kalan at ilagay ang green chili at takpan. Sa hiwalay na kawali, isalang ang sesame seeds hanggang sa bahagyang magmantika o matusta.

Ihanda na ang sizzling plate at painitin ito, ilagay ang ating tokwa sisig at ilagay sa gitna nito ang isang itlog. Mag-drizzle ng mayonnaise sa ibabaw at budburan ito ng sesame seeds.

Ayun Busogueños! Nakagawa ka na ng isang napakasarap, nakakabusog, at pasok sa budget na dish for your family, barkada, o kahit mag-isa ka! Ano pang hinihintay mo Busogueño? Sumandok na ng kanin, magbukas ng bote ng beer, at Enjoy!

by Michael Angelo C. Sia

Related Posts

See All
Featured Posts
recent posts
search by tags
No tags yet.
bottom of page