top of page

CHICKEN TINOLA ala NOW

Sa henerasyong ito, sa dinami dami ng mga nagsusulputang bagay na napagtutuunan natin ng madaming atensyon, tulad ng mga gadgets, medyo nakakalimot na tayo na i-practice ang mga skill na essential para maka-survive tayo sa pang araw-araw. Kung sa patuloy mo na pag-scroll sa iyong smartphone ay mangyaring mapadaan ka dito sa Busogueños, hayaan mong tulungan ka namin na mahasa ka sa isang basic at essential skill -- ang pagluluto. Huwag kang matakot na mag-try ng mga bagong bagay, tulad ng pagluluto, dahil sa paraang ito, mas matututo ka. Mas madali ka nang makaka-impress, especially kung may tao kang gusto mong mapansin ka. Pwede mo pa siyang gawing inspirasyon sa gagawin natin. Ngayon at nasa isip mo na si special someone, sana ma-persuade na kita na mag-luto.

Now, let Busogueños teach you a very simple and a very Filipino dish. Tuturuan ka namin kung paano magluto ng Chicken Tinola. This is a perfect dish para sa mga nagsisimula pa lang magluto dahil sa dali nitong lutuin. Kung sa tingin mo mahirap, just wait until you follow and finish the recipe na ituturo namin. Busugueños promise you na madali lang ang proseso. Hindi ka namin papahirapan.

Now, we've already listed all the ingredients you'll need for your starter dish sa pagluluto. Available lahat ng iyan sa mga local market na malapit sa iyo. Sabi ko nga sa'yo, hindi ka namin papahirapan. The world we're currently in is kind of hard to handle. Hindi na namin dadagdagan yun, especially sa pagsisimula mo ng pagluluto.

Now, get to your kitchen and let's start cooking! Una, para less hassle, i-ready muna natin ang ingredients. Siyempre kailangan nating balatan at hiwain yung sibuyas, bawang, at luya. Tip para sa talagang magsisimula pa lang magluto, dikidikin lamang ang bawang para mas madali mo itong mabalatan. Another tip my friend, is to use a spoon sa pagbalat mo sa luya. Easy and safe kung talagang first time mo magluto, specifically sa part nang pagbabalat. Sunod ay sayote. You don't peel it straight away. Cut it into four, vertically. Then saka mo sila babalatan. This way is easier, I tell you. Then you see that white thing sa gitna? Tanggalin mo. Hindi mo kailangan sa Tinola yun. Tapos hatiin mo na siya sa bilang na gusto mo.

The way you'll chop your ingredients, medyo papalagpasin muna natin kung hindi siya ganun kaayos. Nagsisimula ka pa lang. No pressure. Next is dahon ng sili. Tanggalin lang ang mga dahon. Easy. Tapos yung manok, hugasan mo lang nang maigi. Ingredients are prepared. Ilagay mo na sa isang kawali yung manok at takpan. Turn that flame on and lets start cooking! Friend, inuna natin yung manok dahil kapag nagmantika yun, dun natin siya igigisa sa sibuyas, luya, at bawang. Kuha ka ng sandok, tapos halu haluin mo. Kapag nagturn into light brownish color na yung mga ginigisa mo, maglalagay ka ng 3 hanggang 4 na baso. Cover, then let it sit.

Kapag kumulo, maglalagay ka na ng asin. Now, wala kaming inilagay kung gaano karami. We'll let you decide for that. Budburan mo ang Tinola mo. Not too much. Ayaw natin ng sakit. After that, ilagay mo na yung sayote. Tapos takpan at let it sit ulit. Hihintayin lang natin na lumambot yung sayote. Tip here, wag masyadong malambot. Kung sakaling hindi mo ito maubos at may chance pa na umabot ito bukas, mas madali itong mapapanis kung sobrang lambot ng sayote. Ngayon, kapag okay na yung sayote, maglalagay ka ng betsin. Again, its up to you. Wag dadamihan. Gusto namin na sanayin ka sa ganito. Pagkalagay mo, ipatong o ihalo mo na yung dahon ng sili. Takpan at maghintay ng around 2-3 minutes, then turn the flame off.

Voila! Congratulations! You made a dish! Natuto ka nang magluto! Hindi naman ganun kahirap hindi ba? Natuto ka na, nabusog ka pa! Ngayon, sana hindi ka dito tumigil. Cooking is fun! Marami kang pwedeng i-explore at ma-discover sa larangang ito. You need help? Don't worry! Sagot na sagot namin ang cooking journey mo! Never stop learning! Patikim pa lamang ang simpleng dish na ito para mailabas ang cooking prowess mo!

Featured Posts
recent posts
search by tags
bottom of page